Entertainment: Angelica and JM, success ang pelikula

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Meanwhile, hindi naman binigo nina Angelica Panganiban at JM De Guzman ang record ng Star Cinema sa pagkakaroon ng Valentine movie offering na box-office hit.

Yes, kahit pa raw naging pre-Valentine movie offering ang That Thing Called Tadhana, ito na rin ang nakipaglaban sa mga foreign movies para maging ‘date movie’ ng marami.

t1107pam-tadhana_feat2_1

Image: http://lifestyle.inquirer.net

As of now ay umabot na ito sa 100 million mark sa ticket sales, at big hit na itong maituturing lalo pa’t nasa 2 million lang daw ang puhunan nito.

Produced din ito ng Cinema One Originals na mapangahas gumawa ng mga indie movies na may atakeng ‘pang-mainstream.’

Twice nang nananalo ng Best Actress Award si Angelica for the said movie at dahil naging big hit ito, may plano daw ang Star Cinema na muling bigyan ng project ang magaling na aktres.

Mapapanood din natin siya soon dahil gaganap siya bilang ina ni Daniel Padilla sa remake ng klasikong Pangako Sa’yo kasama ang ka-tandem nitong si Kathryn Bernardo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *