Entertainment: Ara Mina, may relationship problems na ba?

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

AraMinaImage from @realAraMina Twitter account

Kahit nagbigay na ng pahayag si Ara Mina hinggil sa “normal” na pinagdadaanan umano ng ordinaryong couple, marami pa ring mga bulung-bulungan na sa hiwalayan din daw talaga mauuwi ang lahat between her and her live-in partner Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Immediately after Easter Sunday ay pumutok nga ang matinding tsismis patungkol sa dahilan ng sinasabing ‘gulo’ ngayon nina Ara at sa kinakasama nitong pulitiko. Pero dahil non-showbiz naman ang involved maliban kay Ara, rerespetuhin natin for now ang hiling ni Ara na bigyan sila ng ‘space’ dahil gaya daw ng ibang ordinaryong couples ay normal ding magkaroon sila ng problema. For now ay mas gusto daw nitong mag-focus sa pagiging nanay niya sa kabibinyag lang nilang baby girl.

“Naku, asahan na nating mas malala pa ang mga tsismis na darating tungkol sa kanila dahil malapit na ang eleksyon. Kilalang pulitiko ang ama ng anak ni Ara at sa dami ng mga tsika dito mula sa personal nitong pagkatao hanggang sa mga nakarelasyon nito from showbiz, libreng kampanya na yun para may pag-usapan,” sey pa ng mga kausap namin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *