Showbiz Ambush by Ambet Nabus
Impressive naman ang napanood naming pilot telecast ng Bridges of Love.
Hanep sa action mode ang drama series. Mararamdaman mo agad na “lalaking-lalaki” ang direktor nito o ang mga nagpapatakbo nito dahil nakuha agad nito ang ‘astig look and texture’ ng isang magandang soap.
Image: abscbnpr.com
Sa pagpapakita ng mga eksena nina Jericho Rosales at Paulo Avelino, alam mong malalim ang paghuhugutan ng relasyon nila as lost brothers.
Swak na swak din ang ganda at husay ni Maja Salvador bilang dancer-waitress with whom mai-inlove ang mga characters nina Echo at Paulo.
Maganda din ang casting nito with Edu Manzano (ang umampon kay Paulo — the young Edu is now being intensely played by Baron Geisler), Jason Abalos at Desiree del Valle (na naging sina Lito Pimentel at Maureen Mauricio) bilang mga parents nina Echo at Paulo, pati na nina Malou de Guzman, Janice Jurado, at iba pang mga batikang artista.
Gabi-gabing mapapanood ang Bridges of Love pagkatapos ng Forevermore at bago mag-Aquino and Abunda Tonight.