Entertainment: Daniel Matsunaga, nagbibigay ng “special” favors?

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

DanMat

Screen grab courtesy of Fashion Pulis

It’s Daniel Matsunaga’s turn to be the toast of social media’s hot discussion.

A fuming mad woman who introduced herself as a model posted in her social media account that she indeed had several ‘sex encounters’ with the PBB All-In grand winner.

Pinangalanan ng isang nagngangalang Teesh de Sagun si Daniel na si Daniel mismo ang pinupuntahan niya kapag nag-aaway sila ng kanyang then-bf na siya ngang subject ng galit niya sa social media.

Pero dahil obvious na inaaway nga nito ang kanyang ex-bf, na siyempre pa ay tinawag niyang kabaliktaran lahat ni Daniel, medyo mag-iisip ang sinumang nakakabasa.

Anyway, ang latest nga ay sinagot na rin ito via social media ng naturang ex-bf na tinawag lang na “bitter” ang ex-gf pero bongga ang pag-amin nitong totoo nga na nagtataksil sa kanya noon ang gf at isa nga si Daniel Matsunaga sa mga nagbibigay ng ‘sexual favors’ dito among other model-actors.

Simula nang manalo si Daniel sa PBB ay para itong nagkaroon ng ‘maganda at mas wholesome na imahe’. Parang hindi bagay ang mga ganitong iskandalo sa Brazilian-hunk model-actor na mukhang maamo at mabait pa naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *