Entertainment: Gab Valenciano, making waves with Beyonce

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

GabVImage fromhttp://audreymagazine.com/how-filipino-performer-gabriel-valenciano-inspired-beyonces-711-music-video/

Speaking of music, ang “Super Selfie” creator na si Gab Valenciano ay naging mainit na subject recently lalo pa’t pormal siyang binigyan ng acknowledgement ng grupo ni Beyonce na ginamit nilang inspirasyon ang mga dance steps nito sa “7/11” music video ng global music superstar.

Akala pa nga raw ni Gab ay niloloko lang siya nung una na may tumawag sa kanya para humingi ng permiso at sabihan siyang gagawin siyang consultant ni Beyonce para sa naturang music video na ngayon nga ay umaabot na sa halos 27 million views.

“Silly,” ang simpleng paglalarawan ni Gab sa kanyang “super selfie” music videos na nagawa daw to escape boredom when he was in the USA studying music videos. This element of “silliness,” according to Valenciano, is a core of his “Super Selfie” series, in addition to the quick cuts and wardrobe changes that Beyonce also incorporated in “7/11.”

“Wala lang ngang mga moves. Do whatever you want lang pero signature nga yung pag-land on both knees at pagtaas ng mga kamay as final pose,” hirit pa ng anak ni Gary Valenciano.

At dahil mukhang mas marami pang crazy ideas na naiisip si Gab, hindi nga posibleng very soon ay pormal na nga siyang mapapabilang sa mainstream ng US music scene lalo pa’t ang gaya nga ni Beyonce ang nagsisilbi ngayong “endorser o modelo” kumbaga ng kanyang mga kakaibang dance moves!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *