Entertainment: JM de Guzman, focused sa kanyang showbiz comeback

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

JM_pic

Image from http://oliverpublicist.blogspot.com/2011/11/bww-phils-interview-jm-de-guzman-talks.html

After his long absence from showbiz, muling mapapanood si JM de Guzman na first time uling lalabas in a full length movie via That Thing Called Tadhana with Angelica Panganiban. The movie is among the ten finalists in the 2014 Cinema One Originals Film Festival that kicked off on Nov. 9 and will run up to Nov. 18.

After kasing lumabas sa rehab ng guwapong aktor, hindi pa raw niya fully nararanasan yung 100% na “coolness” pagdating sa magandang imahe niya though “it’s all in my mind siguro,” say nito.

Kaya nga raw everyday ay tsina-challenge niya ang sarili to veer away from his usual stuff in showbiz like yung pagpupuyat with friends, pag-inom, at kahit na daw yung paglabas-labas.

“Sounds nakaka-praning po, pero kailangan talagang gawin. Ako din naman talaga ang magde-decide at the end of the day pero malaking factor yung mga nakakasama mo,” paliwanag ni JM sabay sabing sa pag-dyi-gym at pagsusulat ng kanta niya na lang ibinubuhos ang anumang oras na mayroon siya.

Simula nang makabalik si JM, naging sunod-sunod ang kanyang mga proyekto at lahat naman ay napapapurihan siya. In fact we told him na parang wala namang nangyaring long absence niya sa showbiz dahil yung husay niya sa pagganap at yung charisma niya ay naroroon pa ring buong-buo. Kitang-kita ito sa Hawak Kamay soap kung saan kasama siya, pati na sa ibang guesting niya like sa MMK at Ipaglaban Mo.

“Basta po focus lang talaga. I know na marami pa ring tukso sa paligid pero sabi ko nga, I’ve learned my lesson at nire-regret ko po talaga ang mga pangit na nangyari,” tsika pa nito.

Naging biruan nga namin kung nagkaroon ng chance na ayain siya ni Angelica na uminom while doing their movie pero diretsong sinagot ng magaling na aktor, “Wala naman po. Work talaga and happy ako na nakasama ko ang isang Angelica Panganiban. Magandang experience talaga.”

“Opo naman, no problem po,” diretsong tugon pa ni JM sa tanong ng ilang katoto natin sa trabaho kung open pa ba siyang tumanggap ng mga ‘adik roles’, considering his “pinagdaanan.”

Basta naman daw may kabuluhan ang role at good ang project, wala naman daw siyang nakikitang isyu bilang isang aktor.

“It must be a role na dapat ay may magandang layunin.  Dahil nanggaling na nga po ako sa ganung sitwasyon, walang tatalo sa good lessons and life-changing experience na natutunan natin,” sey pa ng mas pumayat na ngayong magaling na aktor.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *