Entertainment: Jolina Magdangal, working mom

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Lagi daw bitbit ni Jolens ang anak niya sa lahat ng activities niya.

Mula sa three times a day na taping for Flordeliza hanggang sa two days practice for Your Face Sounds Familiar, naging nursery at playpen na daw ng baby niya ang mga taping locations nila.

“Nasanay na din si bagets. Gusto ko kasi hands-on ako sa lahat at dapat nakikita ko. Kumpleto naman ang tulog at pahinga ng bata kaya’t healthy naman ang environment niya. Ganun talaga pag working mom,” paliwanag uli ni Jolens na umaming nag-iba nga ang lahat ngayon sa buhay niya.

Pele-birthday-main

Jolina kasama ang kanyang asawang si Mark at anak na si Pele.
Image: Facebook/Nice Print Photography

“As an artist, fulfilled na fulfilled na ako. Sa dalawang shows ko pa lang with ABS-CBN, wala na akong masabi. And at this early, may mga plano na pero tatapusin ko muna ang mga ito,” hirit pa nito.

Sa mga jurors, kay Gary Valenciano daw pinakatakot si Jolens. Ito daw kasi ang tipo ng music icon na parang mahirap patawanin o hindi basta-basta tumatawa o natutuwa at prangka din sa mga opinyon.

At bilang singer pa, sobra daw ang talas nito sa mga nota at munting mga pagkakamali kaya’t challenge daw sa kanya every week kung paanong gawing swak sa panlasa ni Gary V ang kanyang ginagawa.

Eh paano naman sina Jed Madela at Sharon Cuneta?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *