Entertainment: Jolo Revilla, out of danger na sa gunshot wound

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Marami ang nagulat, including us, sa pumutok na balitang nagtangka daw na mag-suicide ang kaibigan-kumpare nating si Cavite Vice Governor Jolo Revilla noong Sabado, February 28 ng umaga.

jolo-revilla

Image:http://www.interaksyon.com

Naisugod nga sa Asian Hospital sa Muntinlupa City si Jolo at sa kumpirmasyon ni Nanay Lolit Solis na manager niya, totoo ngang tinamaan siya ng bala sa dibdib, pero ligtas na nga sa mas malala pang sitwasyon.

Hindi pa rin nililinaw ang sanhi ng sinasabing pagkakatama ng bala sa dibdib ng magaling na aktor-pulitiko, pero mas masidhi ang panawagan ng pamilya niya na patuloy na magdasal para sa mabilis na pagbuti ng lagay niya.

Though marami ang nagsasabing may kinalaman sa personal na pinagdaraanan ng buong pamilya nila Pareng Jolo ang pangyayari, we can only offer prayers and good wishes for them all.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *