Entertainment: Julian Trono, maningning ang future sa K-Pop

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

JulianTrono

Naniniwala kaming may future si Julian Trono bilang singer-dancer na magpapauso ng K-Pop sa bansa.

One of GMA Artist Center’s artists, Julian is back in Manila from his recent tapings and guestings in Korea. He just wrapped up a performance on SHOW Champion (a big variety TV show in Korea) where he was received warmly by very excited Koreans.

Kaya naman proud na proud ang bagets dahil siya nga ang napili ng isang Korean group na hasain, bigyan ng recording, at papuntahin sa Korea para lubusang matutunan at maunawaan ang Korean Pop Culture. In fairness, taon pala ang binibilang ng isang nag-aaral nito bago pa man siya bigyan ng exposure, pero sa kaso ni Julian ay mga six months extensive training lang ang ginawa niya.

“Pero continuous po ang training kasi may kuwento nga ang bawat ire-release na record. Gaya nito nagsimula ako bilang teenager na may crush sa isang babae, then may susunod pa, hanggang sa mag-grow na. Yun ang malaking kaibahan siguro,” sey ng bagets sa amin.

While in Korea, Julian was also featured in Arirang’s Korea Today and was also interviewed in TV Chosun and in various print media. He was introduced as a promising artist, who trains exhaustively in the Philippines and in Korea to learn the styles of K-Pop and debut as a singer-dancer in the Philippines.

“Wiki Me” ang title ng single ni Julian at sa tunog at peg ng naturang kanta, hindi nga malayong agad-agad makuha ni Julian ang sarili niyang trono sa K-Pop na sa totoo lang ay mayroon talagang napakalaking audience kahit sa bansa natin.

Wiki Me is under GMA Records at ire-release na ito worldwide soon. The digital single is now available on iTunes and in all your favorite digital stores.

To Julian, go go go!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *