Entertainment: KathNiel, may bagong pelikula

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Sa aming naging panayam kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na may movie na magsu-showing come February 25, confident ang mga bagets sa pagsagot, “siguro naman po.”

Tanong kasi namin, “Yung tandem kasi ninyo ang inaasahang magpapabalik ng 100 million peso average mark ng Star Cinema in terms of box office gross, kaya ba ninyo?”

Bukod daw kasi sa ibang-iba ang mga roles nila ay sadyang bago at una sa paningin ng mga moviegoers ang ganda ng mga locations nila, partikular ang Mt. Pinatubo sa Zambales.

kathniel_crazy

Image: http://iheartkathniel2.tumblr.com

Kung naging monster hit nga ang Mayon Volcano bilang backdrop ng love story nila sa She’s Dating a Gangster, dito daw sa Crazy Beautiful You ay madodoble dapat yun.

“Una po, we’re getting more mature at mas close na kami. Gamay na gamay na namin ang isa’t-isa at masaya pang katrabaho sina Direk Mae (Cruz-Alviar),” sey ni Kathryn.

Dagdag naman ni Daniel, “At mas masaya kaming magkasama. Mas malalim at mas mararamdaman ng manonood ang lahat nang ito sa movie.”

Sa Crazy Beautiful You ay makaka-triangle nina KathNiel si Inigo Pascual na umaming kilig na kilig sa dalawa. Kasama din nila sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion na umamin ding nagta-transform ang dalawa kapag nasa screen na.

Sey nga ni Gabby, “Madami akong naaalala sa kanila. Nung time namin ni Sharon (Cuneta), nung nasa ganyang edad kami, ako mismo kinikilig. I just advise them na go on, carry on, enjoy and be happy together.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *