Showbiz Ambush by Ambet Nabus
We seldom recommend to moviegoers a local comedy film because we fear of adding insult to the so-called “toilet humor or slapstick brand of comedy” that most of our local flicks have.

Image from http://www.balita.net.ph/wp-content/uploads/2014/10/Matteo-Guidicelli4
In the recent showing of MORON 5.2 The Transformation by no less than the box-office director Wenn Deramas, we bend such rule if only for Matteo Guidicelli’s participation in the sequel of the movie that grossed much last year.
Talaga namang napakanatural ng ginawa nilang “paglalaro” sa naturang movie lalo na sa karakter ni Matteo, who for us is a natural comedian, without even delivering his lines. Sarah Geronimo’s boyfriend now has reason to be jubilant as he seems to have discovered his niche in acting. “Parang hindi nga nagpapatawa pero sobra siyang nakakatawang panoorin habang nginangangahan lang ang mga antics nina Luis, etal,” remarked one movie critic.
Pinaglaruan talaga nina Matteo, Billy Crawford, at Luis Manzano ang kanilang mga sarili sa kabuuan ng pelikula. Pero bago pa man kayo magulat, it was done in a very humorous and funny way lalo pa’t sanay na sanay na sa private jokes ang tatlo, plus sinakyan naman ng todo nina Marvin Agustin at DJ Durano, bilang dalawa pa nilang kasama sa movie.

Image from http://manilastandardtoday.com/2014/10/18/moron-5-2-the-transformation/
No wonder na sinasabi nina Billy at Luis na super silang nag-enjoy at halos na-bully sa shooting si Matteo na may nakaka-aliw na eksenang nagkagusto sa isang gaya ni Joy Viado bilang si Sarah Joy. Sobra din ang halakhak namin sa eksenang paulit-ulit niyang kinantiyawan si Billy sa kanilang “presinto” scene, habang yung antics ni Luis bilang magaling na host ay lutang na lutang.
Now tell me, who can really best show “hilarious angst” on each personal experience but the one who did it?
We dare say na mas natawa kami sa mga eksena ng limang morons dito kumpara sa first movie nila. Kuwela din ang support ng mga leading ladies nila pati na yung mga gumanap nilang mga anak, plus of course John Lapus and his wards.
Kung comic relief, mga patawang hindi nagmamarunong o nagtuturo para maging matalino, at mga simpleng eksena na aliw lang ang peg, gorah, panoorin at mag-enjoy sa Moron 5.2.