Entertainment: Melissa Mendez at ang totoong detalye ng pambabastos sa kanya sa eroplano

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Naaawa kami kay Melissa Mendez dahil sa iskandalong kinasangkutan niya last week.

Sa aming pagtatanong-tanong ay nasilip namin ang anggulong tila OA ang naging hakbangin ng piloto na nag-decide na ibalik sa Manila ang eroplano gayung halos malapit na pala itong lumanding sa isang lugar sa Mindanao nang dahil lang sa pag-iiskandalo ng aktres.

Pati na yung certain Rey Pamaran na kasama ng aktor na si Andrew Wolff na ayon sa balita ay siyang naging sentro ng ‘iskandalo’ ng aktres, ay tila umover din sa pag-re-react sa social media na parang manok na putak nang putak.

melissa-mendez2

Image: http://bandera.inquirer.net

Pero ang ikinainit ng mga ulo namin ay yung nalaman naming magkakilala at magkaibigan pala sina Andrew Wolff at ang mga anak ni Melissa?

Grabe lang ang pagkabastos at ang kawalan ng galang ng aktor na ito kung tutuusin.

Ito pa pala ang nag-video sa mga eksena nila at nag-upload nito sa social media?

Hindi na kami sasawsaw pa sa mga usapin dahil nasabi na naming naawa kami sa nangyari sa aktres, siya man ang nagkamali o may pagkakamali.

Hindi lalaki at sasabog na lamang ng ganoon ang lahat kung wala ring mga gaya nina Rey at Andrew na sa halip na umastang lalaki sa tunay na kahulugan ng salita ay nagawa pang patulan ang lesser of a star na aktres, at akusahan pa nila na lasing.

Nakakatawa lang dahil ngayon na nga lang namin uli narinig ang mga names nila after so long sa balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *