Showbiz Ambush by Ambet Nabus
Speaking of Miles Ocampo, inamin sa amin ng mabait na bagets — na na-witness na naming magdalaga at maging blooming sa Faces & Curves — na biggest project niya ever ang And I Love You So.
Image from wazzup.ph
“Super excited pero nate-tense din po, Kuya Ambet. Magagaling lahat ng mga kasama namin at sa ganda ng materyal, mahirap siyang pakawalan. Grateful talaga ako na mapasama dito,” sey ni Miles.
Tanong naman namin dito, “Anong masasabi mo na ka-level mo ang isa sa mga pinakamagagandang bagets gaya ni Julia at pag-aagawan ninyo si Inigo?”
“May ganoon Kuya? Exciting. Go lang,” ang matipid nitong sagot.
Tuwang-tuwa kami kay Miles sa break na ito. Husay sa pag-arte at hindi lang basta ganda ang panlaban niya dito plus her positive attitude on work.
Wishing her well talaga!