Entertainment: Piolo Pascual, graciously handling cyberbullies

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Nakakabigla ang panawagan ng isang ina na humihingi ng public apology mula kay Piolo Pascual.

According to the mother, nalagay daw sa alanganin ang reputasyon at imahe ng kanyang anak, matapos na sagutin ni Papa P ang comment ng ‘basher’ sa Instagram. Nag-comment ng “Piola bakla” ang ‘basher’ sa account ni Papa P.

Ang sagot lang naman ni Papa P, “I hope your daughter grows up to be a respectful person.”

piolo_instagram_b

Sa sinabing iyon ni Papa P, nag-react na ang ina ng bata. Ang nakakagimbal pa, imbis na pagsabihan muna ang anak sa kanyang ginawa, inuna pa ng ina ang mag-demand ng apology mula kay Papa P.

At may twist pa: hindi naman pala iyong daughter ang mismong nang-bash, kundi kamag-anak lamang ng inang nagagalit.

While we believe that she is just doing her part as a doting and protective mother to her child, she should have rectified the Instagram comment first, and spoke with her ‘kaanak’ for dragging her daughter into the said scandal.

It was after all, the basher who started it all and it was also “she” who used the innocent child’s picture when she expressed what she thought was her opinion on Papa Piolo’s gender.

At si girl-basher naman, imbis na i-korek agad ang lahat after na mag-react si Papa P ay tila nagmalaki pang nagpapahayag lang daw siya ng kanyang saloobin. At si mother naman, cited the US- Children’s Online Privacy Protection Rule (COPPA) pa.

Hindi ba confusing na mangbu-bully ka ng tao dahil sa inaakala mong gender niya, habang gamit ang litrato ng isang inosenteng bata, at kapag nasabihan ay magrereklamo naman?

Screenshot: http://www.fashionpulis.com/2015/02/insta-scoop-piolo-pascual-posts-photo.html

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *