Entertainment: PO2 Neil Perez, tinanghal na Mister International winner

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

We are all proud of the victory and honor that PO2 Neil Perez has given us being the country’s first ever Mister International winner.

What made it more “Pinoy-win” is the fact that the police officer is equally proud of his native tongue as proven by his countless interviews after he was crowned Mister International 2014 in Korea last February 14.

“Mas madaling mag-express, mas masarap magpahayag ng saloobin,” were some of the words uttered by the winner in his post-pageant interviews.

neilperez

Image:http://normannorman.com

The fact is, he did the same ‘expressing of thoughts and feelings’ during the Q&A portion of the contest. That made him an instant winner among the judges and fellow contestants from different parts of the globe.

Hindi nga binigo ni Neil ang mga Pinoy sa pangako niyang gagawin niya ang lahat para sa pride and honor ng mga kapulisan lalo na para sa Fallen 44 ng SAF na nabiktima sa Masasapano, Maguindanao.

Bago pa man umalis at i-represent ni Neil ang bansa, masigasig na itong nagpahayag ng kanyang kalungkutan at pagdadalamhati sa mga kapwa-pulis na nabiktima sa nasabing trahedya. Karamihan pala sa mga ito ay naging kaibigan at ka-batch niya sa training. Si Neil ay isang bomb and explosive technician ng Aviation Group ng PNP.

Naku, sa tikas at guwapo ni Neil ay hindi malayong maging showbiz celebrity siya. But more than that, bahagi na siya ng kasaysayan sa patimpalak-kaguwapuhan dahil siya ang first winner natin sa male pageants na ngayo’y usong-uso na rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *