Showbiz Ambush by Ambet Nabus
Mabuti pang kiligin na lang tayo sa nangyayari ngayon kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
After ngang masaksihan ng mga nanood ng Ed Sheeran concert ang sweetness ng dalawa, na napabalita pang pinagmulan ng isyung plano nilang pagpapakasal, aba’y heto at very sweet silang nakitang nag-e-enjoy sa paghele ng anak ni Dimples Romana.
Image: pinoyexchange.com forums
Yes, ayon sa aming mga kapwa Popsters na kinlig at nag-enjoy sa eksenang kinarga, pinatawa, at hinalikan ang baby ni Dimples (naganap ito noong binyagan ang bata) nina Sarah at Matteo, kumbinsido nga silang nagpaplano na nga at malaya nang nag-uusap ang dalawa hinggil sa kanilang future as husband and wife.
Hay, napakasarap na balita. Super kilig talaga ang emote sa amin though kapwa busy ang dalawa sa kanilang mga respective projects and yet, kitang-kita naman talaga ang efforts nila na maghanap at bigyan ng oras ang kanilang love affair.