Entertainment: Sinetch Itey: Dating BFF ng hunk actor na gay comedian, kinalimutan para ma-preserve ang image?

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Sinetch Itey

Dati palang nagta-tratuhan bilang best of friends ang isang sikat na gay comedian at ngayo’y sikat na ring hunk actor, until pinagsabihan ang gay comedian na dumistansya na sa sikat na hunk actor.

Ito ang aming napag-alaman sa mga kafatid sa comedy bar circuit nang minsan ay malasing daw si gay comedian at maisiwalat ang noon pala’y maganda nilang ‘friendship’ ni hunk actor.

Struggling actor daw ito na halos walang pumapansin maliban sa gay comedian na kinagiliwan nito. Everytime nga daw na may special show si gay comedian ay asahan mo nang dadating o manunuod si hunk actor dahil bukod nga sa naaaliw ito sa antics and jokes and performances ni gay comedian, wala pala itong close friend na matatawag.

Pero nakatisod ng mina sa showbiz si hunk actor na napasabit ang name sa mga sikat na kanyang nakatrabaho, isa na nga dito ang noo’y may controversial lovelife na young actress.

Nag-klik ang tandem nila at nagkasunod-sunod ang projects ni hunk actor, here and abroad. Noon daw pinagsabihan si gay comedian na dumistansya na kay hunk actor hanggang sa maging casual friends na lang sila.

“Image” ang sinabi nilang rason kaya’t ganun daw ang naging payo sa gay comedian na hindi man sikat na sikat sa kanyang larangan ay very stable at steady naman ang posisyon sa industry.

Ang siste, may ugali lang itong si gay comedian na kapag nalalasing o nalulungkot ay nakakapaglitanya ng mga bagay-bagay tungkol sa special friendship nila ni hunk actor.

Kasama na nga dito ang ngayo’y nakaka-intrigang pagdadala umano ng mga lalaking masahista (lagi daw dalawa ang request ni hunk actor) ni gay comedian para pangtanggal stress at sakit ng katawan ni hunk actor?

Sinetch itey? Your guess is as good as mine!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *