Showbiz Ambush by Ambet Nabus
“To evolve and re-invent”, are the two terms used by those that run the famous The Buzz show when it finally aired its last episode last Easter Sunday, April 5.
Image: Instagram account of @ericjohnsalut
“Lahat po ay nagbabago, kami rin dito ay nag-e-evolve. In time, we will offer you a reinvented format that will cater to all, especially our new televiewers and audience,” shared noted host Kuya Boy Abunda, as he emotionally bid goodbye from the show together with Kris Aquino and Toni Gonzaga.
Temporary lang naman daw ang naturang pagba-bye nito dahil very soon ay muli itong ilulunsad, with its newer and fresher look na tinitiyak nilang sasabay nga sa mga pagbabago sa social media, trends, tv viewing, and showbiz news gathering and watching.
Sey nga mga kausap naming experts sa advertising, “ABS-CBN has been lording over on their showbiz programs. Hindi puwedeng mawala sa ere ang mga programang gaya ng The Buzz na kumbaga ay isa sa mga flagbearers nila pagdating sa entertainment.”
So, for now, goodbye muna sina Kuya Boy, Kris Aquino, and Toni Gonzaga. Sa dinami-dami na ng mga naging hosts ng naturang show simula pa man noon, tiyak naming mananatili pa rin diyan sina Kris at Kuya Boy.
However, may mga nagsasabi namang ginawa lang siguro nilang pormal ang pamamaalam ni Toni na ikakasal na this year at gumawa pa nga ng hit movie na You’re My Boss bilang isa sa mga “pabaon” niyang trabaho sa mga pansamantala niyang iiwan.
Mahirap din kasing tantiyahin kung after na maikasal siya o magkaroon ng anak ay ganun pa din kainit ang maging pagtanggap sa kanya.
Mabuti na nga naman yung habang nasa itaas pa siya ng kanyang career ay bongga na siyang magpapaalam nang dahan-dahan, di ba?