Entertainment: Toni Gonzaga speaks up on her hosting stint sa Binibining Pilipinas

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Buong tatag at with confidence na sinagot ni Toni Gonzaga ang isyu ng hosting niya sa Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas.

Sa presscon ng You’re My Boss ay ni-reveal ng host-actress na yun naman daw ang instruction sa kanya ng Binibining Pilipinas organizers, “Make the show fun and light, especially the Q&A portion.”

tonigonzaga_bbpilipinas

Image: Jessica Bartolome

“I was told to host that way. Let’s end this issue with world peace,” say pa ng komedyanteng host matapos siyang humingi ng apology sa mga umano’y kanyang na-offend at nasaktan, at nagpasalamat naman sa mga natuwa at naniwala sa kanya.

Kaya naman agaran naming kinuha ang reaskyon ng mga kapamilya natin sa Binibining Pilipinas Charities office at ganito ang sinabi nila sa paliwanag ni Toni, “It’s just so sad na ganun pala ang understanding or comprehension niya ng fun and light.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *