Entertainment: Your Face Sounds Familiar, mababait ang jury members

Showbiz Ambush by Ambet Nabus

Napakamarespetong mga jury members nina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta sa Your Face Sounds Familiar.

Sa paulit-ulit nilang pagre-remind na hindi naman singing contest ang show (lalo pagkatapos ng performance ni Maxenne Magalona), hahangaan mo na lang ang mga ito sa pagiging ‘civil and very respectful’ sa mga performers.

yourfacejurors

Image: astig.ph

Noong mapanood namin ang performance ni Maxene doing a Pilita Corrales number, kahit kami ay napabilib sa tapang at lakas ng loob ni Maxene na magaya kahit papaano ang music icon, though sobrang layo talaga ng kanyang impersonation. Not a single note of hers matched that of Pilita, but she did try hard para kahit sa aura at kilos ay magaya niya ito.

Ang pagiging bubbly at magiliw ni Sharon sa mga kalahok ang isa sa mga nagpapagaan ng show, plus Gary’s very positive comments kahit ramdam mong nagpapaka-disente lang ito.

Hinihintay namin yung moment na sinasabing posibleng ilabas ni Jed ang kanyang “taray mode” though wala pa nga lang sigurong opportunity dahil in all fairness, lahat naman ng kalahok ay nakikitaan ng effort na magaya (boses man, kilos, o hitsura) o magawang malapit sa kanilang mga natokang gayahin.

Sa round one ay nag-top si Jay-R when he did what they called a “flawless” impersonation of Pepe Smith and we believe na posibleng siya na naman ang makakuha ng round two dahil sa husay niyang gayahin si Stevie Wonder.

Number one show ngayon ang Your Face Sounds Familiar, at walang kataka-taka dun lalo pa’t tunay na entertaining at feel-good ang show.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *