Entertainment:Ryza Mae, tatabo muli sa MMFF- Bossing Vic, magpapakasal na nga ba?

3Image from http://www.pep.ph/mmff-2014/updates/15024/ryzza-mae-dizon-believes-my-big-bossing-will-lead-in-the-box-office-absolutely-without-a-doubtrdquo

Fresh from the success of their MMFF 2014 entry My Big Bossing, Ryza Mae Dizon is happy sa resulta ng pelikula nila sa takilya.

“Masaya po ang pelikula namin, Three-in-one at nandun kami ni bossing (Vic Sotto) sa lahat ng episodes kaya sulit ang bayad.” repeats Ryza who boasts of the “Sirena, Taktak, and Princess” episodes of the said entry.

2013 was truly a big year for bossing Vic and Ryza who took the number one spot among 8 official entries and even broke box-office records with their MMFF 2013 movie, My Little Bossings.

Bossing Vic believed that people during holiday season simply want to laugh and be happy especially the children. “Kahit yung horror namin, pambata ang peg kaya wala yung mga sigawan at halos di ka na makatulog na moment. Wholesome na wholesome,” said the actor-host-comedian and the film’s producer.

______________________________________________________________________________________________________

2Image from http://kickerdaily.com/vic-sotto-on-relationship-with-pauleen-luna-at-60-i-no-longer-play-around/

Nang mapadako naman ang usapan sa kasalukuyan nilang relasyon ni Pauleen Luna na umamin ding sa tatlong taon na nila bilang bf-gf ay marami pa daw siyang nadidiscover sa aktor-host-producer, sinabi nitong magpapa-presscon daw sila para sa usaping ‘kasal.’

Matagal na kasing natsitsismis sina bossing Vic at Pauleen tungkol dito lalo pa’t usong-uso nga ngayong taon sa showbiz ang mga wedding proposals. “Well, that calls for another presscon,” sagot ni bossing Vic sa nasabing isyu.

Mukha namang going smooth ang relasyon nila ni Pauleen at na-flatter pa nga ito nang husto nang ikumpara siya bilang local version ng kilalang hollywood actor-producer-director na si George Clooney.

“Wow, wala naman akong masabi kundi ‘thank you’ sa mga ganyang pagkukumpara,” hirit nito sabay acknowledge na sa tinagal-tagal din daw na naging bachelor ang Hollywood actor-producer ay nagpatali na rin ito finally sa kanyang lawyer-gf.

“Darating din tayo diyan,” simple at makahulugan pa nitong tsika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *