Sa mommies and daddies, umiinom ba kayo ng food supplements? Naku, i-double check niyo po dahil baka lalong lumala ang inyong sakit sa maling daily supplements na inyong iniinom!
Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang mga nagttake ng daily supplements.
Sinabi ni Health Secretary Janette P. Loreto Garin na ang “food or dietary supplements are processed food products intended to supplement the diet that bears or contains one or more dietary ingredients.”
It usually comes in:
- capsules
- tablets
- liquids
- gels
- powders
- pills
Ayon sa DOH, hindi raw alternative medicines ito o replacement ng anumang drugs and medicines, lalo na sa may sakit na:
- High blood pressure
- High cholesterol
- Diabetes
- Goiter
- At marami pang iba
Ang iniinom na daily supplements ay depende rin sa klase ng inyong sakit. Maaring hindi siya compatible o kontra sa maintenance medicines niyo.
Narito pa ang ilang warning ng DOH sa food supplements:
Mas mabuti pa rin daw na i-konsulta sa doktor ang sumusunod:
- Kung hindi makakasama sa inyong sakit ang iinuming food supplement
- Kung FDA approved ang gamot
Para sa mga approved and safe daily supplements, you may visit FDA — www.fda.gov.ph
Be informed! Be involved!
FB: Jing Castaneda ABSCBN
Twitter: @jingcastaneda
IG: @jingcastanedaabscbn