Global Pinoy: 10 Tips for buying legitimate property in the Philippines

We’ve worked our hardest and saved our best and now it’s time to invest in real estate. Excited man tayong bumili na ng property, kailangang maging maingat pa rin tayo at mapanuri.

Tipsforproperty1

Image taken from http://www.zipmatch.com/real-estate-news-and-advice/tips-and-advice/buyers/5-ways-to-overcome-fears-when-buying-a-property-in-the-philippines

Here are some tips para hindi tayo maloko sa pagbili ng pekeng property:

1. Watch out for fake sellers– Huwag basta-basta magtiwala kung kani-kanino! Make sure na ang kausap niyo ay ang totoong may-ari, authorized representative with Power or Attorney, or a licensed broker authorized to represent the listing.

Ang Power of Attorney ay isang notarized document na nagbibigay sa isang tao ng karapatan na maging “attorney,” representative o kinatawan para sa mga ligal na interes ng isa pang tao na siya mismong nagfa-file ng legal documents.

2. Watch out for fake titles– kumuha ng Certified True Copy ng titulo at i-verify ito sa Registry of Deeds. This usually takes 3 days and costs less than Php 500.00.

Ang Registry of Deeds ay ang tanggapan na humahawak ng verification at transfer of property. Maaaring tignan ang mga kailangang impormasyon sa website ng Land Registration Authority, sa http://www.lra.gov.ph.

May project na rin ngayon sa conversion ng old titles into e-titles, o ang pagcocomputerize ng mga titulo ng lupa. Maaaring nakadatabase na ang mga titles na kailangan ninyo sa Land Registration Authority.

[youtube=https://www.youtube.com/watch?v=m0G6TGOrwM4-A&start=1&end=35]

Kung bangko naman ang mag-a-appraise ng property, o mag-eestimate ng value o halaga ng property, they will also act as the third-party check and help you do due diligence. Sa pagsasagawa ng due diligence, nire-research o tsine-tsek ang background ng isang tao, korporasyon, at iba pang mga impormasyon para ma-verify ang validity nito bago magkaroon ng pirmahan ng kontrata.

3. Watch out for fake locations – given the tax declaration, you can get a tax map at the Assessor’s Office. Sa Assessor’s office, ina-assess o tinatantiya ang halaga ng property para sa pagbubuwis. Sa municipal office sila maaaring puntahan.

Makakatulong din ang geodetic engineer para ipakita sa iyo ang lot location at vicinity map. Trabaho ng geodetic engineer na pag-aralan ang mga sukat ng lupa.  Puwede rin nilang makita ang Technical Description Flaws, sakaling may pagkakamali sa pagkakasukat ng lupa.

May mga fake sellers na nagbebenta ng property na wala naman pala sa mapa o sa sinasabing address. O, kung tama naman ang address, may ibang property namang nakatayo na doon, o di kaya’y mali ang sinasabing sukat.

4. Get on-the-spot- as much as possible, puntahan ang mismong property na bibilhin. Maraming OFWs ang nag-i-invest sa property at nagde-decide while still abroad without checking the property first, lalo na kung may sales blitz o promo ang sales agents na nag-o-offer ng pre-selling.

5. Have a trusted local representative to still do the tripping and give you feedback sa tunay “dating” ng location at environment.

Ito yung mga bagay na you can’t really sense from the photo or video presentation ng mga sales agents. Maaaring pakiusapan ang isang kamag-anak o kaibigan na tignan ang property para sa iyo. Ask them to take their own pictures and videos for you.

6. Use tools like Google Maps, Google Earth, Flood and Fault Mapping to understand the location. Learn to use technology to your advantage. Sa panahon ngayon, marami nang tools sa internet na makakatulong sa atin tingnan ang location at sitwasyon ng mga properties, halimbawa’y kung binabaha ba siya o malapit sa fault line.

 

7. If it’s a house you are buying, ask for a list of materials used in the construction to appreciate the craftsmanship o kalidad ng bahay at mga materyales na ginamit para rito. Dito niyo rin makikita kung tama lang ang pricing ng property ayon sa ginamit na materyales

8. Do hire a Licensed Professional as a Buying Agent to source out the possible listings to purchase. Ang buying agent ang taong certified o may lisensiya sa real estate na makakatulong sa iyong maghanap ng property.

Any success fee, o iyong tinatawag na komisyong ibibigay sa kanya sakaling matuloy ang transaksyon, ay magandang investment o sulit pa rin dahil siya ang magdadala sa iyo ng options na maaaring hindi mo mahahanap on your own.

Bagamat dagdag ito sa inyong expense, makakapagdulot din ito ng advantages dahil siya ang nakakaalam ng kalakaran sa real estate.

9. Don’t forget to read the documents you will sign carefully. Bago pumirma, magbasa! Maaari rin kumonsulta sa mapagkakatiwalaang abogado kung may mga bagay na mahirap maunawaan.

1o. Don’t forget to verify the status of documents o alamin ang lagay ng mga dokumento. Palagiang mag-follow up ng inyong mga dokumento. Kung kayo ay nasa malayong lugar, pakiusapan ang mga kamag-anak o kaibigan na asikasuhin ito para sa iyo.

With these tips in mind, mababawasan ang chances na maloko kayo sa pagbili ng mga fake properties. Good luck!

Caren Tiangco is a PRC Licensed Real Estate Broker / Lifetime PAREB Member and experienced Marketer.  Formerly with Marketing Manager of SMART and Procter & Gamble, Caren, together with husband Broker Choi, now runs EXPERT REALTY Brokerage with a vision to help provide dream homes for their Buyers and EXPERTMARKETING for the property of their Sellers.  They also engaged in MultiList with their nationwide network of Licensed Brokers in PAREB.    They are also both licensed FINANCIAL ADVISORS to help their clients do financial planning and get the right BANK Loans.  For any inquiries, you can reach them at expertmarketingcorp@gmail.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *