Global Pinoy: Mag-ingat sa mga tiwaling recruiter ng domestic workers

Maraming mga Pinoy ang nangangarap makapag-trabaho sa abroad. Ngunit, sa dami ng mga nais magsamantala sa mga nangangarap nating kababayan, mahirap na basta-basta magtiwala sa mga recruiter.

cagdac

POEA Administrator Hans Leo Cacdac.
Image: inquirer.net file photo 

From Hans Leo Cacdac of the POEA, narito ang mga mga pinaka-common na anomalya na pinapairal ng mga tiwaling recruiter ng mga domestic workers:

1. “Reprocessing” – pagsisinungaling sa tunay na trabaho ng OFW, lalo na kung ang itinatagong tunay na trabaho ay domestic worker.

2. “Double visa” – kapag may visa para sa hindi totoong pupuntahang trabaho, at may pangalawang visa para sa tunay na trabaho na kadalasan ay domestic worker, o di kaya’y visa para sa banned na destinasyon na katulad ng Syria, Lebanon, o Iraq.

img_sample_visa-copy

Image: http://globalnation.inquirer.net

3. “Referral agency” – kapag hindi nagrerecruit ang lisensyadong ahensiya, at umaasa na lang sa illegal recruiter para mag-refer ng worker.

4. “Fake certificates” ng OWWA at TESDA para palabasin na dumaan sa PDOS, language and culture, o skills training ang biktima.

Maging matalino, huwag magpaloko!

Para makasiguro, maaaring makipag-ugnayan sa POEA para sa mga status ng mga recruitment agencies. Maaari ring i-download ang POEA mobile app to verify the status of recruitment agencies and look for job orders.

Related reading: Global Pinoy: POEA launches mobile app for OFWs

POEA Hotlines: 722.11.44 / 722.11.55
Email: info@poea.gov.ph
Website: www.poea.gov.ph
Address: Blas F. Ople Building, Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *