Hand, Foot and Mouth Disease: Ano ito?

Mga kasambuhay, may kumakalat pong sakit sa mga kabataan ngayon, partikular sa

NCR, Regions 2, 4A, 6 at 10 sa Pilipinas — ayon na rin sa Department of Health. Ito

po ay ang Hand, Foot and Mouth Disease na madalas mga batang edad sampu

pababa ang tinatamaan.

 

Isa po itong viral infection kung saan may rashes o butlig-butlig na lumalabas sa:

? Kamay

? Paa

? Bibig

IMG_7091

 

IMG_7092

IMG_7093 IMG_7090

 

May mga paraan naman po para maiwasan ang pagkakaroon nito:

? Hugasang mabuti ang kamay ng mga bata. Turuan natin silang gawin ito nang

madalas.

? Importante rin pong ituro natin ang proper hygiene sa kanila. Suwayin na

huwag isubo ang laruan or other objects na puwedeng panggalingan ng virus.

? Kung nahawa na ang inyong anak, huwag na pong papasukin sa school o

dalhin sa public places para hindi na po makahawa.

? I-disinfect ang buong bahay lalo na ang mga laruan ng mga bata. Gumamit ng

soap and water sa paglilinis or solution ng chlorine bleach (klorox) at tubig.

? Ugaliing magdala parati ng hand sanitizer o alcohol.

 

Mag-ingat din po sa mga pinupuntahan gaya ng playground (indoors and ourdoors),

palaruan, slides, play balls pati na rin sa fast-food chains.

 

Hindi naman po malala ang epekto ng virus na ito. Kaya lang, may mga rare cases

din na puwedeng mag-cause ng komplikasyon tulad ng brain infection o meningitis

at brain inflammation o encephalitis.

 

Dehaydration ang primary concern dito lalo na sa mga infected sa mouth. Dahil sa

rashes na natatamo sa paligid ng bibig, nahihirapan uminom at kumain ang mga

bata. I-monitor lang po kung sapat pa rin ang food intake ng inyong mga anak.

 

May mga home remedies naman na puwedeng makatulong sa mga bata:

? Painumin ng paracetamol kung mataas ang lagnat

? I-encourage sila na uminom ng maraming tubig

? Puwede rin silang bigyan ng ice cream, yogurt, tubig, gatas, ice chips, at soft

diet o pagkaing madaling i-digest gaya ng lugaw at oatmeal.

? Iwasan ang pagkain ng maalat, maasim at maanghang na puwedeng

magpahapdi sa bibig.

? Mag mumog ng maligamgam na tubig na may asin pagkatapos kumain.

? Hayaan lang na magpahinga ang mga bata.

 

Ang HFMD ay wala pang gamot. Kusa itong nawawala sa loob ng 7 hanggang 10

araw. Tulungan po nating maka-recover agad at alagaan mabuti ang mga bata.

Tandaan, prevention is better than cure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *