Health: Potato chips at sitsirya: masama sa kalusugan mo

by Dr Willie Ong

Noong teenager ako, mahilig ako sa potato chips. Wala kasing nagsabi sa akin na masama iyon. Ngayong doktor na ako, kailangan kong ipaalam sa lahat na masama ang junk food o sitsirya.

chips

Image: www.foodaddictionscience.com

Alamin ang MASAMANG Epekto nito:

1. Maraming mantika at sebo – Kapag hinawakan mo itong chips ay nag-ma-mantika ang iyong kamay. Masama iyan sa puso mo at marami itong cholesterol.

2. Maalat at maraming asin – Nakakadulot ng high blood pressure ang sobrang asin.

3. May vetsin o MSG – Masama ang vetsin sa katawan at sasakit pa ang iyong ulo. Nakaka-addict pa ang lasa ng vetsin.

Para sa akin, kumain na lang ng prutas, gulay at isda. Iyan ang tunay na masustansyang pagkain para sa iyo.

Kung hindi maiwasan, puwedeng bawasan na lang. Nakaka-addict kasi kapag naumpisahan na.

TANONG: Kakain ka pa ba ng junk food o sitsirya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *