Ilang oras nga ba dapat matulog ang ating mga anak?

10-Things-You-Need-To-Know-About-Newborn-Sleep

Iba’t-iba dapat ang dami ng oras ng tulog ng mga bata, depende sa kanilang edad.

 1.) 1-4 months: 15-16 hours per day

Karaniwang puro tulog lang ang ginagawa ng newborn babies. Hindi pa kasi sila nakakapag-adjust sa biological clock nila kaya ang sleep patterns nila ay iba’t-iba pa. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga newborn babies ay gising tuwing madaling araw.

Ayon sa mga pediatrician, sanayin natin sa tamang sleeping pattern ang babies at huwag po natin itong baguhin dahil maaaring makaapekto ito sa growth nila.

 2.) 4-12 months old: 14-15 hours per day

Kinakailangang maayos na ang sleeping habits sa stage na ito. Sa pagtanda at paglaki ng ating babies, marunong na siyang makipag socialize and interact kaya ang sleeping patterns niya ay medyo pang mas matanda na.

Usually, 2 to 3 nap times during day time at isang tuluy-tuloy na tulog naman sa gabi sa ganitong edad ni baby.

3.) 1 to 3 years old: 12-14 hours per day

Nababawasan na ang tulog ng mga bata sa ganitong stage. Karaniwang wala na ang morning or afternoon naps nila. Minsan pa, sa toddler age, up to 10 hours lang ang tulog nila.

4.) 3-6 years old: 10-12 hours per day

Typically, natutulog na ang mga bata between 7 and 9 p.m., at nagigising between 6 and 8 a.m.

Umiikli na rin talaga ang nap times nila at ang iba ay hindi na talaga natutulog.

5.) 7-12 years old: 10-11 hours per day

Dito na talagang nababawasan ang tulog ng mga bata. Dahil sa maraming demands gaya ng school, social and family activities, ginagabi na rin ang tulog nila. Pero dapat, nag-aaverage pa rin sa 10 hours per day ang tulog nila para manatiling malusog.

6.) 12-18 years old: 8-9 hours per day

Ito na ang normal sleeping hours ng adulthood. Kailangan nang mapanatili ang ganito para mas maging healthy and functional throughout the day.

 

Pasok ba ang tulog ng inyong mga anak dito? Post your comments sa aking Facebook Fan Page at magkuwentuhan po tayo doon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *