Image from http://darkroom.baltimoresun.com/2013/11/aerial-images-of-typhoon-haiyans-destruction/philippines-weather-typhoon-19/
It was 3 AM on November 7 last year in Rico Cajife’s hometown of Tacloban when Typhoon Yolanda’s winds suddenly grew stronger.
“Parang mga papel na sumasayaw ang yero ng mga bahay,” kwento ni Rico. Habang busy siyang tinatali ng wire sa katre ang bintana na hinahatak ng hangin, biglang nilipad ang buong roof ng kanilang bahay.
He and his family ran downstairs to hide. In 3 hours, parang naging war zone ang Tacloban. “Nasa kalsada ang mga patay at madaming sugatan, walang makain, at kailangan naming mag-looting ng pagkain.”
Sabi ni Rico, masaklap na sa coastal area, halos 60 percent ng mga tao ay nabiktima ng storm surges. Nagkaroon ng warning na may darating na malakas na bagyo at may ilang na-evacuate but most stayed and didn’t panic dahil maganda naman daw ang panahon at sanay na sila.
Time for climate action
Kung dati kinulang ang pagkilos, ngayon active na si Rico as an environment conservation and protection advocate.
Naging involved din siya sa paggawa ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng mga Local Government Units (LGUs).
“Na-realize ko na kulang tayo ng batas na magsasaayos ng tamang paggamit ng lupa. Para rin magkaroon ng seguridad ang mga mahihirap na nasa deikadong lugar at sapat na access sa resources,” he says.
Since surviving the storm, Rico is one of the current champions of the proposed National Land Use Act (NLUA) in Congress. Kasama siya ng mga civil society organizations sa campaign to pass the bill.
Authored by Dinagat Rep. Arlene ‘Kaka’ Bag-ao, layon ng batas na magkaroon ng clear and comprehensive guidelines sa pag-manage ng land resources ng bansa, by categorizing them into four types of use: protection land use, production land use, settlements development, and infrastructure land use.
“It’s one of the long-term solutions sa pagharap sa hamon ng climate change,” according to Rico. Maiiwasan na ang pagtayo ng houses along the coastline na nagresulta sa disgrasya during Yolanda.
As a community organizer na sanay sa development work, part na ngayon si Rico ng Typhoon Haiyan Response Program ng isang international organization na nakatutok sa rehabilitasyong-pangkabuhayan.
Tutok pa rin siya as a NLUA champion, especially this September na binansagang “Land Use Awareness” month. Naipasa na ang bill sa House at binabantayan naman nila Rico ang progress nito sa Senado.
Disaster-proof your community
Para kay Rico, lesson ni Mother Nature na ibabalik sa atin ang hindi magandang nagawa sa kanya.
Wake-up call din ang Yolanda na wala tayong control sa panahon pero may magagawa kung handa, at mababawasan ang casualty at damage. Kaya payo ni Rico, preparation at hindi panic ang kailangan:
1. Be involved. Alamin at makialam sa pagplano tungkol sa disaster program ng barangay
2. Be informed. Makibalita at unawain ang information at updates tungkol sa bagyo, earthquake, at epekto ng climate change.
3. Be ready with supplies. Magtabi ng sapat na pagkain at mag-invest sa isang emergency kit. Dapat lahat ng bahay meron nito.
4. Keep contact. Importante ang communication sa crisis kaya mag-reserve ng mga batteries para sa inyong gadgets. List the contacts na pwedeng tawagan tuwing disaster.
According to Rico, every Pinoy should champion the NLUA bill. “Makilahok sa discussions on climate change to make you more aware,” sabi niya.
Gamitin din ang social media to share your stand, especially on the use of land and how to protect it with the rest of our country’s natural resources.
You can start by visiting the Campaign for Land Use Policy Now page on Facebook: facebook.com/CLUPNow