Entertainment: JM de GUZMAN, LIFE AFTER DRUG ADDICTION

by Karlo Sevilla

Sa ngayon, balik-sigla na ang kanyang acting career matapos ang kanyang personal tragedy. Kamakailan gumanap siya bilang labor leader sa isang episode ng Ipaglaban Mo at sasabak pa siya sa isang current drama series sa ABS-CBN. Nag-mall tour din siya para i-promote ang kanyang album na Tensionado sa ilalim ng Ivory Records.

Puso ng Pamilyang Pilipino - JM de GUZMAN, LIFE AFTER DRUG ADDICTION

Bagamat hindi pa tapos ang laban ni JM, handa siyang magpursige sa mga hamong personal at professional.

“Marami akong natutunan sa rehab through counseling, group sessions, and anger management,” he says.

This includes the lesson of needing somebody before you can help yourself.

“You alone can do it, but you can’t do it alone. Hindi mo kakayanin kung hindi ka magpapatulong,” according to JM.

Malaking tulong para sa kanya ang suporta ng kanyang parents at iba pang katulad niya na nakaranas rin ng drug addiction.

Nanumbalik na rin ang dating pagkahilig niya sa fitness; bukod sa jogging, muli siyang nag-train sa iba’t ibang combat sports gaya ng wrestling, boxing, Muay Thai, at ang nauusong Fight Form.

“It’s a lifelong recovery. It’s a disease with no cure. It will only work if you work at it,” says JM.

Umani naman ng suporta galing sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-amin ni JM.

Sabi ni Undersecretary Arturo Cacdac Jr., “De Guzman’s true-to-life experiences on addiction and his road to recovery are worth sharing. It is never too late to get back on track if you make a strong commitment to live life to the fullest without illegal drugs.”

 

 This article is part 3 of a series. To read the first article, click here. To read the second article, click here.

Related readings: Can JM DE GUZMAN triumph over drugs?, JM DE GUZMAN, AS COMBACK KID, Daddy Ronniel gets his “son back”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *