Ang blood test ay parang bintana sa loob ng ating katawan. Mahalaga ang blood test dahil dito kadalasang natutukoy ang sakit. Sa aking interview kay Philippine Association of Medical Technologists (PAMET) President Ronnie Puno, M.D., nasa 70% ng doctors daw ang nagdedepende sa laboratory exams ng pasyente, kabilang na nga rito ang blood test. Malalaman dito ang inyong health conditions, glucose levels, vitamin deficiency at marami pang iba.
Ayan, ako po mismo ay nagpa-blood test!
Isa sa common blood test ang Complete Blood Count o CBC, dito matutukoy kung normal ba ang blood count mo o may leukemia ka ba, anemia, dengue at iba pa.
Narito ang ilan sa pinaka-importanteng blood test para mapanatiling malusog ang ating pangangatawan:
Complete Blood Count o CBC — Ito ay para masukat ang white blood cells, red blood cells at platelets. Common ito sa mga nagkakaroon ng dengue, leukemia o anemia.
Fasting Lipid Profile — Ito ay test na magdedetermine ng risk sa coronary heart disease, kasama na rito any cholesterol at triglyceride count.
Comprehensive Metabolic Panel (CMP) — Ang test na ito ay para malaman ang status ng inyong kidneys, liver, electrolyte and acid/base balance pati na rin lahat ng inyong sugar at blood proteins.
Thyroid Stimulating Hormone (TSH) — Ito ay para ma-test naman ang inyong thyroid sa katawan.
Kasama si PAMET Pres. Ronnie Puno M.D., habang naghihintay. Mukha ba akong kinakabahan? Hehe.
Kaya mga kasambuhay, huwag balewalain ang pag-advice ng mga doctor tungkol sa inyong blood tests o blood chemistry. Mahalaga ang tests para matukoy kung ano nga ba talaga ang problema sa ating katawan.