Organic food: Mas safe nga ba at mas masustansya?

Sa panahon ngayon, mga #kasambuhay, hindi na mawawala sa groceries and supermarkets ang category na organic foods. Karaniwan na rin silang may sariling section na sama-sama sila na puwede mong pilian.

WATCH: Short clip on organic farming

Sabihin na nating may dalawang pangkaraniwang orange fruit — isang conventionally grown at isang organic. Sa hitsura, halos walang pagkakaiba, pareho ring sinasabing may sustansya, vitamis, etcetera. Pero, alin nga ba sa dalawa ang mas dapat piliin?

Organic Farming

  • Mula mismo sa word na “organic”, ang mga farmer ay may sariling ways sa pag-process ng argicultural products. Ang organic farming ay designed na makatipid sa water and soil consumption, makaiwas sa polusyon.
  • Gumagamit sila ng natural fertilizers and crop rotations.

Positive side of organic food

Iba’t iba ang choices ng mga mamimili kung bakit gusto nila ng organic. Ang sa iba, gusto raw nila ang lasa. Yung iba naman:

  • Ang organic food ay hindi gumagamit ng synthetic pesticides gaya ng sa conventional growers. Kapag nag spray ng pesticides sa product, minsan may naiiwan pang lasang chemical ang na-haharvest na food.
  • Walang food additives ang organic food such as artificial sweeteners, preservatives, colorings and flavorings, etc.
  • Ang ibang mamimili ay kino-consider ang environment dahil ang purpose rin ng organic farming ay to reduce pollution na may benefit sa environment.

Nasanay na ang mamimili na pag bibili pipiliin ang makinis ang balat at malalaki at perfect shape. Kaya madalas ang magbebenta gumagawa ng ibat ibang paraan para gawin ito kahit ito ay nakakasama na hindi lamang sa consumer kung di rin para sa nagsasaka.

Kadalasan ang organic maliit at may kaunting pekas. Pero ang iniisip kasi ng organic farmer ay ang nasa loob at hindi ang panlabas. Pero pag nagkaroon na ng balanse at experties ang magsasaka maari na rin sing ganda ng organic ang conventional.

Mga #kasambuhay, look closely sa ubas na ito. Makikitang may puti-puti pa rin siya kahit na nahugasan na. Ito ay wax na nilalagay sa prutas para hindi kaagad mapanis. Check carefully sa mga pagkaing binibili natin and make sure to wash thoroughly para safe lalo na sa ating kids.

12141580_10154246705174008_1585199986889543914_nUbas na may wax

Be informed! Be involved!
FB: Jing Castaneda
Twitter: @jingcastaneda
IG: @jingcastanedaabscbn

Video Source: https://www.facebook.com/JustEatingRealFood/videos/705859919541445/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *