Papal Visit 101: Day 2, Malacanang, Manila Cathedral, and MOA Arena

On the 2nd day of the Papal Visit, January 16, Friday, magiging busy si Pope Francis sa tatlong events sa Manila.

 Courtesy call, Malacanang

9:00 am – ang alis ni Pope Francis sa Papal Nunciature papuntang Malacanang para sa pagkikita nila ni Pangulong Aquino. Dahil ang visit ni Pope Francis sa Pilipinas ay parehong Apostolic at State Visit, magkakaroon siya ng courtesy call sa Malacanang.

9:15 am - arrival of Pope Francis sa Malacanang. Together with the members of his cabinet as well as members of his family, President Aquino will receive the Pope in the palace.

–  Exchange of Gifts between President Aquino and Pope Francis
–  Closed-door meeting between President Aquino and Pope Francis
–  lbibigay ng Pangulo at ng Santo Papa ang kanilang mga mensahe sa Diplomatic Corps at sa mga naimbitahang opisyal ng pamahalaan.

Trivia: Interesting ang ilan sa mga natanggap na gifts ni Pope Francis mula sa ibang Heads of State.

The Queen And Duke Of Edinburgh Visit Rome And The Vatican City

Mula kay Queen Elizabeth II ng UK, bukod sa mga alak, isang basket ng Windsor’s best eggs at honey mula sa bees ng royal garden. (Photo: By WPA Pool (GETTY))

obama

Mula naman kay Pangulong Barack Obama ng America, mga buto ng iba’t-ibang gulay at prutas mula sa White House garden. (Photo: BBC News)

Mula sa kanyang sariling bansa, nakatanggap si Pope Francis ng modern art painting ng kanyang sarili mula kay President Cristina Fernandez de Kirchner. Binigyan naman siya ng dalawang silver na candlesticks ni Former Prime Minister ng Thailand Yingluck Shinawatra. At mula kay Tunisian President Moncef Marzouki, isang silver-colored dove, bilang sagisag rin ni Pope Francis, na man of peace.

Mass for the clergy at Manila Cathedral

11:15 am - Pope Francis’ FIRST MASS sa Pilipinas. Ang misang ito ay para sa clergy — mga cardinal at obispo, at mga pari at madre. Ayon kay CBCP President Soc Villegas, binigyang priority na makadalo ang mga matatanda, may sakit, at may kapansanan sa misa. Nakatoon ang misa sa tema ng Papal Visit: Mercy and Compassion. Multi-lingual ang misa.

Sa publiko na nais dumalo sa misa, hindi sila maaaring pumasok sa simbahan (kung hindi opisyal na kalahok).  Pero may mga giant-screen LCD tvs sa labas ng simbahan para makasali pa rin sila sa misa sa loob.

SM Mall of Asia Arena, meeting with the families

5:30 pm - Sa SM MOA Arena gaganapin ang pakikipag-dayalogo ni Pope Francis sa mga pamilyang Pilipino. Ang tema ng pagtitipon ay “Restoring Family Life”.

Sa pagdating ni Pope Francis sa venue, sasalubungin siya ni Bishop Gabriel Reyes, Chair ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life at ng isang Filipino family.

Mas marami sanang makakadalo sa event na ito kaya lang, hiniling ni Pope Francis na wala sanang uupo sa kanyang likuran. Gusto niya’y kaharap niya lahat ang mga makikilahok sa meeting, para magkaroon ng intimate at eye-to-eye na encounter sa mga pamilyang kasali.

Tatlong pamilya ang piniling magbigay ng sharing sa Meeting with the Families.  Sabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, these types of families face some of the most difficult challenges in our society today.
– mga mahihirap na pamilya;
– mga pamilyang may OFW o migrant workers; at
– mga pamilyang may PWD o Person with Disability

300 sa mga kalahok dito ay mula sa urban poor ng Metro Manila. Kasama rito ang pamilya ni Celerina David at Anna Liza at Danne Bation na taga-Ermita, Manila.

moa_family

Hindi akalain ng mga David at Bation families na kahit daw mahirap sila, magiging VIP sila at mabibigyan ng pagkakataong makasama sa napakamakasaysayang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas.

Walang misa sa SM MOA Arena pero may Liturgy of the Word, mensahe, at blessing mula kay Pope Francis. Nasa 15,000-16,000 ang estimated number of individuals inside the MOA Arena.

Hindi pinagbibili ang mga ticket para sa mga Papal Visit events. Nahihingi ito sa inyong mga local parish priest/ sariling mga diocese.

May mga widescreen LCDs naman sa labas ng MOA Arena para sa mga hindi makakapasok sa loob pero gustong makinig sa Santo Papa.

Please watch out for our traffic advisory in the coming days.

PLEASE CONTINUE TO CHECK US OUT FOR UPDATES AND TIPS ON THE PAPAL VISIT.

Please don’t hesitate to tweet (@JingCastaneda) or post your messages here in my column, or via my Facebook (Jing Castaneda Abscbn) for any clarifications.

Ang Iyong Kasambuhay -jing Castaneda Puso ng Pamilyang Pilipino

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *