Sa Day 4 ng Papal Visit, January 18, Sunday, dalawang lugar sa Manila ang pupuntahan ni Pope Francis-
University of Santo Tomas sa umaga, at sa hapon ay ang huling misa ni Pope Francis sa Pilipinas, na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Luneta.
Image from Mazur/catholicnews.org.uk via www.flickr.com/photos/catholicism/8571431611/
UNIVERSITY OF STO. TOMAS
Public Advisories
- 3:00 am- bukas na ang Dapitan gate ng UST para sa publiko na nais dumalo sa pagtitipon (Pero ang mga estudyante ay puwedeng dumaan sa Espana gate ng campus). Gates will close at 6:30 am.
– KAHIT HINDI TAGA-UST, PUWEDENG PUMUNTA SA EVENT. KAHIT MATATANDA, PUWEDE RING DUMALO. Itanong lang sa usherettes o guards saan ang designated area sa UST Open Field. Mahigit 100,000 ang estimated capacity ng University Footbal Field. Pero inaasahang makikita pa rin si Pope Francis dahil lilibutin niya ang UST grounds sakay ng Popemobile.
– Isasara ang Espana mula Rotunda hanggang sa Quiapo, at sa kabilang bahagi ay mula naman sa Dimasalang.
– Hindi pa man dumarating si Pope Francis sa UST ay may programa na para sa mga kalahok na kabataan. 6:30 am idaraos ang pre-program sa UST kung saan gaganapin ang pagdarasal ng rosary, pag-eensayo ng kanta, sharing of faith, praise, at worship.
– Tulad ng ibang events, may widescreen LCDs ding nakakalat sa venue para makita at marinig ng lahat ang programa.
PROGRAM PROPER FOR POPE FRANCIS
9:45 am - Meeting with leaders of various religions. Gaganapin ito sa Arch of the Centuries, a historical landmark of the University which serves as a memorial to its Alumni.
10 am – Motorcade ni Pope Francis mula sa Arch of the Centuries papuntang UST Open Field.
10:30 am – Encounter with The Youth at the University Football Field and Grandstand. Ang mga kabataang ito ay representatives mula sa iba’t-ibang Catholic youth organizations. 24,000 youths mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang kasali rito. Kasama sa mga activities sa event na ito ay ang Enthronement of the Cross, Reading, Responsorial Psalm, at Gospel. Maghahatid din ng mensahe si Pope Francis sa kabataan.
Magbibigay din ng testimonies ang tatlong kabataan- isang college student, isang Out of School Youth (para i-represent ang poor sector), at isang Yolanda typhoon relief volunteer.
Me interviewing Bishop Mylo Hubert C. Vergara tungkol sa Papal Visit.
12 noon- Pope Francis will lead the Angelus, at pagkatapos ay babalik muna siya sa Apostolic Nunciature para magpahinga sandali at maghanda para sa misa sa Luneta.
Read: Papal Visit 101: Day 4, Mass at Quirino Grandstand (Luneta)
Will release more public advisories as soon as they are made available by authorities.
PLEASE CONTINUE TO CHECK US OUT FOR UPDATES AND TIPS ON THE PAPAL VISIT.
Please don’t hesitate to tweet (@JingCastaneda) or post your messages here in my column, or via my Facebook (Jing Castaneda Abscbn) for any clarifications.