Mga mommies and daddies, alam nyo bang ang pinsalang idinudulot sa ating katawan ng pagkain ng 3 hotdogs ay equivalent sa pinsalang ibinibigay ng paghithit ng isang kaha ng sigarilyo.
Ito po ay ayon sa toxicologist ng Phil. Gen. Hosp. na si Dr. Erle Castillo nang akin siyang kapanayamin sa Salamat Dok.
Dati nang nagbigay ng warning ang World Health Organization na sanhi ng kanser ang processed meats na tulad ng hotdog, bacon, meatloaf, at iba pa.
Narito po ang ilang dahilan kung bakit:
1.Ang nitrite na inilalagay na processed food ay ang kanyang preservative at food coloring. Ang content nitong nitorsamine ang nagiging carcinogen pag pumasok sa katawan.
2. Sa US, karaniwang hinahalo sa hotdog ang balat, atay, bituka at buto ng karne. Hindi po talaga ito pure meat. Kung ang atay ng hayop na inihalo rito ay exposed sa arsenic, ito po ay carcinogenic din.
Naniniwala si Dr. Erle, na branded man o hindi, peligroso pa rin sa kalusugan basta’t may salitre o preservative/food coloring.
Katunayan, mas pula ang kulay, mas maraming salitre ito.
Kung homemade po, hangga’t maaari ay organic, walang food coloring at preservatives.
Payo ni Dr. Earle Castillo, kung hindi kayang iwasan nang tuluyan, iwasan na lang ang mga ganitong pagkain lalo na sa mga bata.
At siyempre, pinakamaganda pa rin ang gulay at fresh na pagkain.
Be informed! Be involved!
Twitter: @jingcastaneda
IG: @jingcastanedaabscbn
Facebook: Jing Castaneda ABSCBN