Proper care for your hair

Ang ating buhok ay mahalaga — although it is considered dead already, sagana ito sa protein.

Castor-oil-for-hair-growth

Sa pagsha-shampoo, hangga’t maaari, every other day para well-maintained looking, sabi ni Dra. Gwendolyn Cabigao-Mendoza, MD, isang Dermatologist.

Pero tayong mga Pilipino ay madalas init na init kaya hindi maiwasang maligo ulit. Kapag nanlagkit, puwede na raw itong hugasan na lang at huwag na mag shampoo.

Makakabuti ring i-masahe ang scalp pero huwag gamitin ang kuko.

Mga dapat na dami ng shampoo:

Short hair – kasing dami ng 25 cents ang patak

Long hair – kasing sami naman ng piso ang patak

More advise para healthier ang buhok:

  • Pabulain sa kamay ang shampoo para mas mai-kalat sa buhok.
  • Sa mga nagcoconditioner, kung masyadong dry ang buhok, puwedeng everyday i-apply pero hindi pa rin dapat umabot sa scalp.
  • Lukewarm water o maligamgam na tubig naman ang dapat na gamitin.

castor-oil-for-hair

  • Sa mga nagpapa-hair treatment naman, mag-ingat po dahil may mga chemicals ito kaya matapang at puwedeng maka-sira ng buhok.
  • Iwasan din ang madalas na pagpapakulay ng buhok para hindi ma-dry ar masira ang buhok.
  • Suriin din ang salon na pagpapa-ayusan ng buhok. Tip ni Dra. Gwendolyn, dapat ay maganda ang reputasyon ng salon o parlor para makasigurong maganda ang kalalabasan ng treatment.
  • Para naman mas mapangalagaan pa ang buhok, kumain ng protein-rich food, mga pagkaing sagana sa vitamins tulad ng Vitamin B at C.

 

Be informed! Be involved!

Follow, Like and Share:

FB: Jing Castaneda ABSCBN

Twitter: @jingcastaneda

IG: @jingcastanedaabscbn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *