Rules sa marriage annulment, niluwagan na ng Supreme Court

Niluwagan na ng Supreme Court (SC) ang rules sa annulment ng kasal on the grounds of psychological incapacity. Ayon sa SC, masyado silang naging mahigpit sa mga itinakdang rules sa pagpapawalang-bisa ng kasal.

annulmentImage from wedph.com

Para mapatunayang psychologically incapable ang spouse, nag-set ang SC ng guidelines noong 1997 para dito. Kabilang sa mga guidelines na ito ay kailangan medically-certified ang sinasabing incapacity ng asawa at sapat na mapapatunayan ito ng mga eksperto. Dagdag pa rito ay dapat existing na ang incapacity na ito nang sila’y ikinasal, at hindi na magagamot pa.

Nireverse ng SC ang kanilang ruling noong 2011 sa isang petition for annulment because of a wife na mahilig mag-mahjong at may narcissistic behaviour. Sa pagluwag ng SC sa kanilang rules, napayagan na ang annullment ng kasal na ito.

Batay sa kaso, hindi na nagagampanan ng asawa ang kanyang duty sa kanyang asawa at mga anak, at dahil sa hilig niya sa mahjong, na-e-expose rin ang pamilya sa kultura ng pagsusugal.

law_annulment

Nilinaw ng SC na hindi nila sinisira ang foundation ng mga families, kundi pinapangalagaan lamang ang sanctity ng kasal. Kung ang isang tao ay may psychological disorder, hindi na dapat ito pinapayagan sa loob ng isang sagradong pagsasama.

Ayon sa SC, ang mga rules on annulment should not be strictly or literally applied sa mga kaso, at dapat dinggin ng mga korte ang bawat kaso according to its own facts, at hindi batay lamang sa assumptions or generalizations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *