Safety tips sa pagwiwithdraw sa ATM

#Kasambuhay malapit na ang pasko. Ipon-ipon na naman at siyempre magwi-withdraw para sa pang-handa at pang-regalo. Kasabay nito, kaliwa’t kanan na rin ang mga magtatangkang salisihan kayo sa pagwiwithdraw sa ATM.

ATM-Fees-at-all-time-highs

Ilan sa mga tips para safe kayo at ang wiwithrawhin ninyong pera:

1. I-check ang ATM bago ito gamitin.

Mag-withdraw lang sa mga ATM area na maliwanag, may CCTV at kung maaari, may gwardyang naka-bantay. Huwag magwiwithdraw sa mga kahina-hinalang ATM at mukhang marumi ang paligid ng ATM.

May mga ATM machine na rin na mukhang peke, kung mapapansin ninyo na may maliit na camera o may parang nakapatong kung saan pinipindot ang inyong PIN, huwag nang gamitin ang ATM. Kaagad na i-report ito sa bangko.

2. Hangga’t maari, magsama ng kaibigan o kapamilya sa pag-withdraw.

May mga taong pa-simple sa inyong likuran habang gumagamit ng ATM. Puwede kayong holdap o iba pang modus operandi. Kung may kasama kang kakilala, mas mababantayan nila ang nakapaligid sa yo while making transaction sa ATM.

3. Protektahan ang card na parang pera.

Itabi mabuti ang ATM card. Kaagad na i-report kung mawala ito o manakaw.

4. Proteksyunan ang PIN.

Tuwing mag-wiwithdraw, ipatong ang isang kamay sa kabila while pressing the digits of your PIN. Ito ay para double security at walang makapansin sa format ng inyong PIN.

I-memorize ang PIN at huwag itong ipagsasabi kahit kanino. Tip ko rin po sa inyo na palitan ang PIN every 3-6 months.

5. Huwag iiwan ang inyong resibo.

May mga nagmamanman after ninyo mag withdraw. Maaring makita nila ang laman ng inyong ATM at maging cause ito ng holdap. Punitin ang resibo kung hindi na ito kailangan bago itapon.

6. Huwag magtagal sa ATM

Tuwing magwiwithdraw, i-ready na ang inyong card at kung magkano ang i-wiwithdraw. Huwag nang maging aligaga sa paghahanap sa inyong bag — puwedeng makuha ang attention ng magnanakaw. Make it fast and smooth.

Sa mga nagwiwithdraw mag-isa, huwag na munang bilangin ang pera. Kung may mali, itawag na lang ito sa bangko. Kung may kasama naman, mabilis na bilangin ang pera at saka umalis.

May experience ba kayo or other tips? Share niyo naman po sa comments section ng aking fan page!

Be informed! Be involved!

FB: Jing Castaneda ABSCBN

Twiiter: @jingcastaneda

IG: @jingcastanedaabscbn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *