TRAFFIC … Posibleng sanhi ng matinding STRESS at SAKIT!

Opo, mga #kasambuhay, may posibilidad ngang maging FATAL ang traffic.
Batay sa aking interview sa Salamat Dok kay Dra. Imelda Mateo (Member ng Phil College of Chest Physicians), may STRESS na puwedeng makuha mula sa matinding traffic lalo na sa Metro Manila.
Ang mga sakit na nagmumula traffic ay:
1) Pananakit ng katawan at buto (Stress)
2) Altapresyon o High Blood Pressure (Stress)
3) Urinary Track Infection (pagpipigil ng ihi)
Nagbabala rin si Dra. Imelda na dahil sa matinding stress, puwedeng magka-sakit sa puso o mag-heart attack.
“May naging pag-aaral na nagsasabing  stress in general ay isa sa mga sanhi kaya higher ang risk ng cardio vascular diseases, kasama na rito ang atake sa puso, hypertension, at ischemia.”Narito ang ilang tips para makaiwas sa stress at sakit na dulot ng traffic:
TIP 1: Makinig sa relaxing music, magbaon ng earphones at bagay tulad ng gadgets na makakalibang (basta’t hindi ka nagmamaneho)
TIP 2: Makipag kwentuhan sa kasama para ma-relax
TIP 4: Magdala/gumamit ng panyo o mask para proteksyon laban sa polusyon
TIP 5: Inumin na ang inyong daily maintenance medicines bago magbiyahe
TIP 6: Ugaliing magbanyo bago lumakad para makaiwas sa UTI.
TIP 7: Pwede ring mamuhunan sa portable urinal, lalo na kung may maliliit na anak at may sariling sasakyan.
IMG_6852    IMG_6849    IMG_6850
IMG_6848  IMG_6851
Ito po ang #KasambuhayJing #HealthTip about #Traffic mula sa inyong #MediaMomJing.
Please share your comments and suggestions about this Kasambuhay article through my Facebook Fanpage Jing Castaneda ABS CBN, and Twitter @JingCastanedaABSCBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *