USAPANG ITLOG: Facts VS Myths

Masama nga ba talaga ang pagkain ng itlog araw-araw?

Dahil sa mataas na cholesterol ng itlog, may paniniwalang ang pagkain ng itlog ay nagdudulot ng heart diseases.  Pero sabi ng Food & Nutrition Research Institute, hindi ito totoo.

FACT 1:  KAILAN IIWASAN ANG PAGKAIN NG SOBRANG ITLOG

Kailangan limitahan ang pagkain ng itlog kapag ikaw ay may family history ng:

• Mataas na cholesterol
• May anumang uri ng heart disease
• Allergy

 

Sa aking interview kay Consuelo Orense, Research Division ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), dapat daw “i-qualify na sa mga normal na tao na walang family history na mataas ang cholesterol, walang sakit sa puso, at iba pang problemang may kinalaman sa puso, puwedeng kumain ng isang itlog kahit araw-araw.  Napatunayan ito sa mismong research na ginawa ng FNRI kung saan hindi tumaas ang cholesterol levels ng mga taong sumama sa study.”

 

FullSizeRender_3

                                                                  Kasama si Consuelo Orense

FACT 2:  ANG ITLOG AY NAKABUBUTI SA TAONG MALNOURISHED O KULANG SA NUTRISYON.  

Maraming vitamins and minerals ang pula ng itlog:

• Vitamins A, B, E, D at K
• Folate
• Carotenoids
• Phosphorus
• Zinc
• Manganese
• Selenium
• Essential fatty acid o mabuting klase ng taba

FACT 3: ANG ITLOG ANG PINAKAMURANG SOURCE NG PROTINA 

Maituturing na cheapest source of protein ang itlog. Isa rin ito sa pinaka-madaling i-prepare para sa family lalo sa mommies na busy tuwing umaga.

Para naman sa mga nagpapapayat o nagbabawas ng calories, mas mabuting nilagang itlog na lang ang kainin kaysa sa prito.  Ang prito kasi ay may dagdag na calories dahil sa mantikang ginagamit sa pagluluto nito.

FullSizeRender_2

 

FACT 4: MAG-INGAT SA PAGKAIN NG HILAW o FRESH EGGS

Kailangang mag-ingat yung mga kumakain o naghahalo sa juices or shakes ng FRESH EGG o hilaw na itlog. Ito ay prone sa SALMONELLA, isang bacteria na puwedeng magdulot ng food poisoning. Prone ang itlog dito tuwing hinahawakan ng tao o kaya’y pag naalis na sa shell.

Para makaiwas sa salmonella:

• Palaging ilagay ang itlog sa refrigerator
• Iwasan ang pagkain nang hilaw na itlog
• Lutuin ang itlog hanggang sa wala nang liquid sa anumang part ng itlog
• Lutuin ang itlog sa hanggang 63 degrees Celsius
• Gamitan ng egg separator tuwing maghahati ng itlog; iwasang gamitin ang shell nito sa paghihiwalay nang dalawa.
FullSizeRender_1

So mga #kasambuhay, hindi bawal ang araw-araw na pagkain ng itlog kung wala ka rin lang family history ng mataas na cholesterol, sakit sa puso at allergy.  Pero as always, makabubuti pa ring kumunsulta muna sa doctor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *