Dapat daw, 8 or more glasses of water ang iniinom natin araw-araw. Kaya lang, there are other ways to benefit your health by drinking water! Here are some tips, mga #kasambuhay:
1. Uminom ng tubig pagkagising. – Para itong wake up call sa ating katawan, lalo na po sa hindi kumakain ng breakfast. Uminom ng isang basong water and you’ll feel it flow into your body. It will also help get rid of the residues ng na-burn na calories habang tayo ay natutulog.
2. Uminom ng tubig bago kumain. – Kung iinom ng water before meals, usually dapat 30 minutes before, medyo nakabubusog ang feeling so you don’t have to eat ng sobra-sobra. It will also moisturize your stomach kaya ang matitigas at acidic foods ay madaling ma-digest.
3. Drink water in between meals. – Kung kakatapos lang kumain at feeling niyo ay gutom nanaman kayo, drink water. Sometimes, akala natin gutom na tayo pero dehydrated lang pala.
4. Before and after a workout. – Of course, dahil magpapawis tayo, kailangan natin mag-imbak ng fluid sa katawan to avoid dehydration, whether it’s an indoor or an outdoor exercise. Kapag tapos naman na, we need to replace yung nawalang fluids sa katawan.
5. Water with your medication, if allowed. – Nakatutulong mag-dissolve ng gamot ang tubig kaya madali niya ito ma-spread thoughout your body at mas mabilis ang absorption. Nakatutulong din itong bawasan ang side effects ng gamot. Lack of water pero maraming gamot means puwedeng ma-damage ang inyong kidney, liver.
6. Uminom ng mas maraming tubig kung exposed sa may sakit. – Kung may sakit si officemate, classmate or anak, uminom ng mas maraming tubig to wash away germs and viruses na puwedeng ma-pick-up habang exposed sa kanila.
7. Siyempre, lalo na kung ikaw mismo ang may sakit – Kapag may sakit, uminom ng mas maraming tubig, bukod sa tea, juice at soup. Kagaya na lang ng mga naka-swero, tuluy-tuloy na fluid dripping sa veins para sure na hindi madedehydrate.
Be informed! Be involved!
FB: Jing Castaneda ABSCBN
Twitter: @jingcastaneda
IG: @jingcastanedaabscbn